Wow! Unang blog entry! Bakit ko nga naisipang gumawa ng blog? Kasi narinig ko dati kay Kuya NatCas (pasensya na, malakas ako mag-eavesdrop) na kung nagte-thesis ka, magandang mag-maintain ka ng blog para makita mo progress mo.
Weh? BJ, 4th year ka pa lang! Hindi mo pa nga sigurado kung tanggap ka sa DSP! Hindi mo pa nga sigurado kung tutuloy ka pang mag-aral! WALA KA PANG GRADE SA EEE 105!!!
Weh? BJ, 4th year ka pa lang! Hindi mo pa nga sigurado kung tanggap ka sa DSP! Hindi mo pa nga sigurado kung tutuloy ka pang mag-aral! WALA KA PANG GRADE SA EEE 105!!!
Sad life, pero wala, kasama sa buhay ang ganung mga prof. Wala pa ring inupload dahil naging "Two Angry People" lang yung supposed to be "Angry Mob" nila. Hindi pa kasi nagtake yung mga bigatin na sila... ayaw kong mag-name drop. =))
Anyway, siyempre ang unang post ko dito sa blog ko ay ang ideas ko sa thesis. At malamang dapat DSP related. So napag-isip isip ko na wala ako future sa Audio dahil wala akong maisip na ite-thesis doon.
Pero you know, noong napanood ko ulit yung DVD na Faith in Action: Part 2 I was inspired to do more in my ministry (complete with hidden man tears). So for some unknown reason, naisip ko yung ISIP 6. Siguro dahil mas nakikita ko paano iyon ginagawa. And after that, naisip ko yung Chinese 10/11 class ko last summer. I was willing to learn another language para mas makaabot sa ibang tao. Well, aralin ko ulit yung Chinese one of these days (and here comes procrastination). At naisip ko bigla na pwede kong pilitin sarili ko matuto ng isang dialect dahil sa ISIP 6.
At... naisip ko ang Ilokano. That mysterious language na sa tagal-tagal ko nang nagpapabalik-balik sa Vigan, hindi pa rin ako natututong magsalita ng matinong Ilokano. Daya kasi ng tatay ko, hindi nagtuturo. At sana tama ang memorya ko na wala akong nakitang Ilokano sa listahan ng mga dialects na nasakop ng ISIP 6.
At sa kung anong ginagawa sa ISIP 6? Well, I have 1 sem to know that. Dahil mag-CoE 121 pa lang ako (or EE 274 in my case) I can only observe what the current ISIP 6 thesis-takers are doing. Kailangan ng data? Ita-trak ko lahat ng kamag-anak ko sa Ilocos at sa kung saan pa! At marami rin akong kakilalang Ilokano sa congregation namin. So... recording solved?
Well, whatever my ideas are, hanggang isip lang itong ISIP na ito kung hindi ko i-coconsult sa mga possible advisers ko dito. So the start of the start shall be... tomorrow.
Well, sana magawa ko... at sana masurvive ko ang siguro'y magiging pinakamahirap kong semester ever (yet?)
Love, (Yuck! Parang hindi ka lalake mag-tapos ng blog, 'dre!)
Nagmamahal, (Pangit pa rin! Ibahin mo nga!)
Nag... bahala ka sa buhay mo! sa susunod ako mag-isip ng magandang Closing Remarks!,
BJ
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento